Ang Kahalagahan Ng Wika Bilang Kasangkapan Ng Bansa Sa Pagunlad

Macasaet Ramacula Saberon
4 min readMar 9, 2021

--

Litrato mula sa https://in.pinterest.com/pin/30962316176887553/

Ang wika ay isang pangunahing kailangan at kasangkapan upang mapaunland ang isang bansa. Mahalagang ang wika dahil pinapakita dito kung paano naging masagaan ang isang bansa sa pamamagitan nang paggamit ng sariling wika. Sinasagisag din ng wika ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal at matibay ang pundasyon ng wika nang di magkawatak- watak at magbuo nang pagkakaisa. Sinasalamin din nito ang sagana at mayamang kasaysayan ng isang bansa .Isa rin ito sa pinaka importanteng aspekto ng bansang upang makamit ang literasi at nasyonalismo. Napakahalaga ng wika para mahubog ang isang bansa, malaking papel na ginagampanan nito nang maging mapatibay ng bawat indibidwal ang paggamit at mapanatili ang sariling wika nang mapadali ang magkaunawaan at magkaroon ng koneksyon nang makamit ang kapangyarihan sa pagbuo ng maayos at payapang bansa.

Sitwasyon sa Singapore

Litrato mula sa https://www.agoda.com/city/singapore-sg.html?cid=-187

Ang Singapore, ay bahagi ng Malaysia noong 1957, ngunit sa paglipas Ng panahon naging, Independyente ang Bansang Singapore noong 1965. Simula nun unti-unting nagbago ito, naging city-state at nagbago rin pagdating sa pamamahala. Mayroong iba’t-ibang lenggwahe ang bansang Singapore: Malay,English,Tamil at mandarin chinese. Mayaman din sa lenggwahe ang Singapore kaya mas mahahalintulad ang bansang ito sa Pilipinas dahil pareho silang naituring multilinggwal na bansa. Ngunit mas nagagamit ng bansang Singapore ang Ingles sa lahat ng antas nang pagtuturo.Mas pina-uunlad nila ang wikang dayuhan dahil sa kagustuhang mas mapaunlad ang kanilang ekonomiya.Dahil ang wikang Ingles ang pinaka unang lenggwaheng nagagamit upang makipagkalakalan sa iba’t-ibang bansa. Kaya’t mas naniniwala ako na tinaguriang pinakamaunlad ang Singapore sa Timog-Silangang Asya pagdating sa ekonomiya. Naging malaking dahilan ang kanilang pagsasanay sa pag-gamit ng wikang Ingles sa pakikipag-kalakalan sa ibang bansa. Nagagamit parin ang kanilang katutubong wika katulad ng Tamil,Mandarin, at malay sa ibang mabababang at ginagamit parin nila ang katutubong lenggwahe bilang kanilang sariling wika upang mapanatili parin ang kanilang identidad,literasi at nasyonalismo. Para sa akin mas maihahaluntulad ko ang bansang Singapore sa Pilipinas kesa sa bansang Indonesia. Dahil ang Pilipinas din ay nataguriang Multilingual language dahil sa “Mother tongue,Tagalog &English”. Naging competitive ang Pilipinas sa loob at labas ng bansa. Katulad sa bansang Singapore mas nagagamit nila ang wikang Ingles sa larangan ng pagtuturo. Sa Pilipinas mas nagagamit din ang wikang Ingles sa larangan ng pagtuturo at napapanatili parin ang katutubong wika upang mapanatili parin ang identidad,literasi at nasyonalismo.

Sitwasyon ng Pilipinas

Litrato mula sa Magagandang Tanawin sa Pilipinas That Won’t Disappoint You in 2021 (zenrooms.com)

Maraming Pilipino ang nag aapply sa ibang bansa para doon magtrabaho at ang iba naman ay nananatiling nandito sa bansa upang mag lingkod sa mga kababayan. Ang pag unlad ng isang bansa ay ang pag sanay sa sarili upang manlingkod sa mamayanan. Mahalagang sa bansa tayo mag lingkod dahil ito ang bayan natin. Ang pagiging Pilipino ay isang kakanyahan na kung saan kailangan ng lahat ng tao. Mahalagang alam natin ang pag kakaiba ng kahulugan at simbolo dahil kapag alam natin ang kahulugan ng isang simbolo isasapuso natin ito ngunit ang simbolo ay simbolo lamang na pwedeng makalimutan agad o may katulad. Kung gusto umunlad, kung gusto mapalawak ang bansa o ang wika kailangan gumawa ng aksyon, kung walang kikilos kung walang gagawa ng paraan walang mangyayare. Ngunit sa panahon ngayon Ingles at Tagalog, ingles para umunlad ang bansa ito dahil ito ang ginagamit ng iba sa pakikipag usap at tagalog dahil ito ang pambansang wika natin. Para sa akin mas kailangan natin yakapin, mahalin ang sariling wika natin dahil isa tayong Pilipino. Kung titignan natin halos lahat ng bansa minamahal ang sarili nilang bansa lakas loob nilang sinasabi kung ano ang lahi nila lakas loob nilang pag silbihan ang kanilang bansa ganon din dapat tayo. Kung gugustuhin talaga na mapabago, mapaunlad, maging maayos lahat may paraan ngunit kung puro salita at walang gawa talagang walang mangyayare.

Repleksyon:

Sa paggawa ng blog na ito mapapalawak ang ating mga kaisipan na mapahalagahan ang paggamit ng sariling wika sa pagkamit nang kaunlaran ng isang bansa. Sa pamamagitan ng labis na pagbibigay diin ng isang bansa malaking parte ito upang pahalagahan ang sariling wika, mapanatili ang pagkakakilanlan at mahubog ang nasyonalismo. Ang papel na ginagampanan nito ay mahalaga sa atin at sa hinaharap upang paalalahanan sila na hindi masamang gamitin ang mga umuusbong na wika katulad ng Ingles o anumang wikang banyaga at hindi rin ito ang sukatan ng pagtalikod sa sariling wika.

Mga Sanggunian:

Why is philippines considered a multilingual nation. (2020, December 16). Archer Mechanical, Inc. https://www.archermech.com/goat-farm-jifriwe/why-is-philippines-considered-a-multilingual-nation-484cfd#:%7E:text=By%20Lauren%20Favre,%20Contributor%20June%2020,%202019%20The,Filipinos%20speaks%20English%20as%20their%20second%20language.%20RobertWale14.

Gianne Encarnacion | Philippine art, Filipino art, Filipino culture. (n.d.). Pinterest. https://in.pinterest.com/pin/30962316176887553/

n.d.). Agoda Official Site | Free Cancellation & Booking Deals | Over 2 Million Hotels. https://www.agoda.com/city/singapore-sg.html?cid=-187

12 Magagandang Tanawin Sa Pilipinas Na Dapat Mong Mapuntahan. (2021, February 11). ZenRooms Blogs. https://www.zenrooms.com/blog/post/magagandang-tanawin-sa-pilipinas/

--

--

Macasaet Ramacula Saberon
Macasaet Ramacula Saberon

No responses yet